Saturday, November 6, 2010

interlude

hindi naman sila masyadong proud...


...ako nga relax lang eh.

Monday, September 13, 2010

blast from the past

Staff: Manong pasuyo naman po ako ng almusal sa seven eleven.

Manong: Sige anu po ba yun?

Staff: Eto po. (isusulat sa papel ang 'stuffed pandesal')


after 1 hour nakabalik na sa wakas si manong.



Staff: Oh, manong, ang tagal niyo naman po. asan na ung pinabibili ko?

Manong: naku, mam, kung san san na ko nakarating. wala pong nagtitinda ng stufid pandesal.

Saturday, September 11, 2010

mga anek anek

just had a massage after several months of not having one. the last, i think , was in may pa. kaya eto, sakit ng buto buto ko. panu naman kase si ateng masahista, feeling ata eh dambuhala ang nagpapamasahe sa kanya at kuntodo effort talaga ang pagpiga ng mga buto buto ko. eto tuloy, imbes na makaginhawa eh parang lalo pang sumakit ang likod ko. nakakatawa nga na habang pinipiga ni ate ang batok ko eh bulong siya ng bulong ng 'strong' na ang ibig sabihin sa tunay na buhay eh 'hard'. tigas daw kase ng batok ko at pinagalitan pa ko na ang tagal ko kaseng hindi nagpamasahe. so, kasalanan ko pa pala kung baket nasaktan ako. naging extra busy kase these past months lalo na nang mag-umpisa ang class at nagmatapang pa ko na mag-aral online. kaya hayun, hindi ako gaano nakakadalaw sa aking official massuese. actually, the massage was 2 weeks overdue na. i should have visited the spa right after my trip to hongkong. nanakit kase katawan ko sa paglalakad sa buong tsim sha tsui sa kahahanap ng ever elusive na holga na yan. sa awa ng diyos, wala pa rin ako nahanap so i ended up ordering the model from my student's friend who happens to be a trader of such chuvaneses. sa awa uli ng diyos, hindi pa raw dumarating ang shipment. so ung promise na 1 week eh mukang aabutin na ng 3 weeks.

so, our faculty had planned to take the senior students to hongkong as part of their cross cultural culminating activity, which in other words means shopping, gala, no class, pagod. everything was all set. we were all ready to go last august 24. kumusta naman yun na august 23 eh may isang adiktus na ex-cop na nanghostage ng busload of tourists from HK sa may grandstand. at kumusta rin naman na hindi naging maganda ang kinalabasan ng negotiation na ikinagalit ng buong mundo - pilipino at banyaga. it's not that i am setting aside an issue as significant as this for my personal good. pero naman, men! first time ko pumunta sa hongkong at may ganitong factor pa na mangyayari. sabay sulputan ng mga status sa facebook na kesyo galit na galit ang mga taga hongkong and china, kesyo dahil sa galit na yun eh banned ang mga pinoy sa pagpasok sa lugar nila, na kesyo maraming OFW sa nasabing lugar ang natatakot na kung hindi man sila sibakin sa trabaho eh maltratuhin naman sila ng mga amo nila. so mejo kinabahan naman ako na baka nga ganun eh maiwan ako neto sa airport habang ang buong grupo eh masayang mamamasyal nang wala ako. parang yung text joke na bihis na bihis ka na tapos di ka pala kasama sa outing. sakit diba? unfair! buti na lang at may isang kaibigan (non-pinoy) who talked sense to me. at tama siya. wala namang official statement ang mga nasabing bansa. so join pa rin ako sa lakwatsa.

sa immigration, mejo kinakabahan pa rin ako kung anu ang magiging trato sakin duon. pero generally peaceful and smooth naman ang naging proseso sa HK airport.



I was really surprised to see HK as a mountainous area. i mean, i thought it was a mega city full of buildings and that's all. but what i saw was a symphonic combination of natural and artificial creations - of modernity and nature. there were buildings everywhere, at the foot, on top, behind the hills. and i wondered if HK ever experience earthquakes or landslides. basta, ang galeng! para akong nasa antipolo na pinalibutan ng mga skyscrapers.






it's weird din that when we reached the upscale part of tsim sha tsui, i felt like being in makati - walang katapusang makati. somehow, it made me miss home.




i was greeted by this in the morning...


mejo na-hassle kame on the second day. dapat after lunch eh pupunta na kame ng shenzhen, as indicated in our itinerary. kaso nagkaproblema daw sa visa dahil nga sa naganap sa manila - at ito'y iniexplain na andun ako na parang ewan ko kung paranoid ako kase feeling ko eh ini-emphasize pa ng tour guide na dahil DAW sa pilipinas kaya madedelay kame. we arrived in shenzhen at about 7pm. at eto, immigration na naman.

this was where i almost cried. as in muntik na kung hindi lang ako nahihiya sa mgs students ko. at first, the officer smiled at me, acknowledging that i was part of the big group from thailand. but his face changed the moment he checked my passport. he didn't even glance at me when he's supposed to check that i was the person on the photo. then he tossed my passport - as in tossed it - and gave me the look. well, i just smiled and walked away as far as i could. teary eyed na ko but i told myself -- paranoid lang ako. i was being guilty of something i did not commit.

pero generally, naging maayos at masaya ang lahat kahit na nakakapagod. lalo na yung shopping part! :)




Saturday, August 21, 2010

hongkong hongkong

malayo sa gulo
hongkong hongkong aaliwin kayo
hongkong hongkong malilimot ninyo
hongkong hongkong ang sakit ng ulo

yes! pupunta kame ng hongkong and china for our educational tour. next week na rin yun at sobrang excited na ako. meron kaseng nakapanghula sakin na makakarating muna ko sa tatlong bansa bago ako makapangasawa.. so far, nakadalawang bansa na ko - thailand at laos - kaya over the quota pa ko pag nagkataon neto. yipeee!!! mapipikot ko na ngayon sa wakas yung matagal ko nang pinagnanasaang pikutin.. hahaha

on the other hand, natutuliro ako ngayon sa kung anu ba ang dapat kong unahing gawin. meron akong 6 papers backlog na last month pa ang deadline, may lesson plans na dapat pang tapusin, project guidelines, radio and tv ad na chechekan at ipaparevise at kung anu ano pang mga bagay na nagpapakumplikado ng existence ko. at lahat ng ito ay hindi ko magawa sa kabila ng aking good time management skill. ang reason: wala lang. hindi ako tinatamad. kulang lang ako sa drive. siguro sobra na akong nabobore sa buhay na laging mag-isa. gigising kang mag-isa, kakain kang mag-isa, matutulog kang mag-isa. mabuti na nga lang at titser ako at required na magsalita sa klase dahil kung hindi araw araw akong mapapanisan ng laway. can't even talk to my colleagues dahil may mga sarili silang mundo - which can be expected of the academe.

hayyysss... sana magkaroon ako ng renewed passion to go on after ng tour. na-ooverwhelm na rin ako sa dami ng mga gagawin na nagsitambakan na just because of the reason na meron akong self-diagnosed borderline depression due to loneliness.

Tuesday, August 3, 2010

ni wen wo ai ni you dou shen

Dumaan ako sa tahimik na ilog,

Ang buong mundo ay parang natutulog.

Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog,

Parang ang puso ko itong nadudurog.




nadudurog... nadudurog...
parang puso kong nadudurog...


Ang unang apat na linya ay mula sa tula ni Maningning Miclat.

Friday, July 30, 2010

sana sa aking pagdating


ay hindi pa napapanis ang pansit...

Wednesday, June 23, 2010

surprise! surprise!

found this sitting by my office door yesterday...


hmm.. actually i wasn't really surprised to see it. a friend in china told me a few weeks back that she's sending me a 'surprise'.

pero, what's inside the package still remained a surprise... she just told me that when she saw it, she had this urge to buy it for me... and i wondered, hmm, what could that be? (i was actually thinking of anything pink - probably the holga 135bc i asked her about last time).

then.. tada!!!



It's a paint set: one fine brush, palette, and the most interesting item is the canvas with a pre-drawn rose complete with labelled segments so you'd know what color you need to use in which part. nakakaaliw!

and if i followed the instructions, the drawing should look like this.



one amazing thing in this gift, though, is that i realized that among my friends, it's only winnie who still remember one good hobby i had that even i have already forgotten.

Saturday, June 19, 2010

it's a pink world

sorry to BF (bayani fernando) haters, but i really like the color pink. you wouldn't know it by my personality (which is, yah) that i simply love with a capital LOVE color pink. i remember when i was in highschool (the best years! agree?) i and 2 other girlfriends decided that we should have our things in our fave color from bags down to hairclips. btw, i studied in a strict asylum where they require students to use plastics for bags (transparent bag) and black unfashionable ribbons for hair accessories. so there, i got all my things: comb, mirror, notebooks (when the teacher didn't require us to cover our notebook with certain colors - very popular in highschool. wonder what teachers got of it, eh), pens, etc. in different shades of pink. and if there's one thing that i never outgrew and have no plans of outgrowing, it is my passion for the color. go check my office and you see pink. go check my room and you see guess what? ahh pink! it's pink all over and it pleases me yeah!




Sunday, June 13, 2010

tried my hand at translating poems and this happens

kung ako man ay iyong iibigin
nawa ito'y hindi
nang dahil sa aking mapupulang labi't
matimyas na ngiti...

tooottt... wala na!

SONNET IV
Elizabeth Barret Browning

If thou must love me, let it be for nought
Except for love's sake only. Do not say
"I love her for her smile her look her way
Of speaking gently, for a trick of thought
That falls in well with mine, and certes brought
A sense of ease on such a day"
For these things in themselves, Beloved, may
Be changed, or change for thee, and love, so wrought,
May be unwrought so. Neither love me for
Thine own dear pity's wiping my cheek dry,
A creature might forget to weep, who bore
Thy comfort long, and lose thy love thereby!
But love me for love's sake, that evermore
Thou may'st love on, through love's eternity.

Friday, June 11, 2010

para sa mga bata at dating bata

mga batang pinoy, sila daw ang mga bagong pilipino. ang mga pilipino ng kinabukasan. pero paano natin masasabing sila nga ang kinabukasan kung ngayon pa lang ay wala nang makapagsabi kung anu nga bang bukas ang mayroon para sa kanila, kung mayroon pa mang bukas. nakakalungkot isipin na karamihan sa mga batang pinoy ngayon ay tila ninakawan na ng pagkabata. sa agang gulang ay napilitan na silang magbanat ng buto at makipagsabayan sa mga matatanda sa paghahanap ng mailalaman sa sikmura, maipambibili ng gamot, maipangtataguyod ng pamilya, at - oo - maipambibisyo. nakakatakot ding isipin na ang lipunang kumukupkop sa mga batang ito ay ang mismong lipunang kinalakhan ko - na sa susunod na panahon ay kalalakhan ng aking mga anak. anung klaseng lipunan ba itong hindi kayang itaguyod ang batang nagpapakanlong sa kanya? anung klaseng pamumuhay ba ang kayang ibigay ng isang lipunang hinahayang mamuhay ng ganito ang mga anak nito? ang mga batang pinatanda ng pagkakataon ang siyang sumasalamin sa lipunang naghihirap, nagsisikap ngunit patuloy na bumabagsak.

bilang isang dating bata na namuhay na protektado mula sa kaguluhan, pangarap kong ang mga batang ito ngayon ay maranasan ang mga bagay na natamasa ko. sana ay mamuhay din sila sa isang lipunan kung saan ang paglalaro at pag-aaral ay mga pangunahing karapatan at hindi prebilihiyo. na sana maranasan nilang humalakhak at umiyak. sana may puwang sa kanila ang pagkakamali at may gumabay sa kanila nang mahusay para maitama ang mga pagkakamali. sana ang kanilang musika ay ang uyayi ng kanilang ina at hindi ang ingay ng kalsada. sana.. puro sana...

araw ng kalayaan na naman bukas. ilang araw ng kalayaan pa kaya bago maisakatuparan ang mga "sana" na ito?


Saturday, June 5, 2010

walang pamagat dahil walang maisip

Hindi na ako maghahanap pa ng iba. Ikaw lang ang babae sa buhay ko. Kahit pa nga hindi ko alam kung saan ako tungo.”

Heto na naman siya. Dito mismo kung saan nagsimula ang lahat, nakatanaw sa lawak ng kawalan na tila inaarok ang ‘di makita sa dako pa roon. Ilang araw na rin siyang nagpapabalik-balik dito ngunit wala pa rin. Malinaw pa sa kanyang isipan magpahangga ngayon ang mga piraso ng mga alaala. Mga alaalang nagpapabalik ng mga mumunting kislot sa pagitan ng kanyang mga labi upang damhin ang ligayang naidulot ng mga iyon. Ngunit ngayon, ang mga alaalang ito ang siya ‘ring tumuturok ng malahiganteng punyal sa kanyang puso.

Ah, parang kailan lang ang mga alaalang iyon. Mga panahong labis na nagpaligaya sa kanyang limitadong mundo. Isang panahon na may biglang nagbukas ng ilaw sa malamlam niyang buhay. Hindi sinasadya, at hindi rin niya kagustuhan, basta nangyari lang.

Walang malay ang gabi. Wala itong kaalam-alam na sa mga oras na iyon ay dalawang kaluluwa ang nakatakdang magtagpo. Hindi sinasadyang isang namimighating nilalang ang naghanap ng katiwasayan sa kanyang payapang sabsaban.

Dito nag-ugat ang lahat. Ang mga sumunod na araw ay tila buhay na laan sa paraiso. Sa kanilang matahimik na palitan ng mga salita’y isang unawaan ang namulaklak. At, nagbunga ito ng mas matingkad at matimyas na samahan.

Mula roon, nagsimula siyang humabi ng pangarap. Marahan niyang sinubaybayan ang pagkabuo nito sa bawat paghakbang ng araw. Kanya itong inaruga hanggang sa ito’y maging ganap. Sa kabila nito, hindi pa rin niya maiwasang mangilag. Paano kung hindi pa pala dapat? Paano kung hindi pa sapat ang panahon? Paano kung mali pala ang mga pahiwatig? Paano?

‘Di niya mawari kung bunga nga ng katapangan, isang gabi’y walang pakundangan niyang ipinagkanulo ang kanyang sarili, ang kanyang nararamdaman. Isang linyang hindi pa niya natatawid kailanman ang sinimulan niyang bagtasin. At kay sarap pala sa pakiramdam oras na marating mo na ang kabilang ibayo. Mula sa pakikipagkaibigan, nauwi ang lahat sa mas matamis na pag-iibigan.

Sa kauna-unahang pagkakataon, binuksan niya ang mahiwagang pintuan ng pag-ibig. Wala mang kasiguruhan, nagmahal siya, nagtiwala. Saksi ang mga tala nang kanyang sinambit ang sumpa ng katapatan. Walang oras na hindi niya nadama ang dalisay na apoy na dumaloy sa kanyang kamay mula nang unang madampian ito ng palad ng sinta. Walang sandali na hindi niya pinanabikan ang malambot na labing minsang buong timyas na nagpadama ng kawalang-hanggan.

Lingid sa kayang kaalaman, o tumanggi lang siyang pansinin, unti-unting nagbago ang kanyang mga pananaw. Nalimutan niyang ang lahat ng bagay ay may katapusan. Kaya’t buong puso at walang pag-aalinlangan niyang binigay ang kanyang oras at buhay sa minamahal. Ang kanyang mga paa’y tila humahakbang sa mga ulap, lumulutang, walang muwang. Dahan-dahang lumiit ang dati nang makitid niyang mundo. Hanggang sa uminog na lang ito sa iisang tao. Hanggang sa maging siya ay nawala sa kanyang sariling daigdig.

Kung kanya lamang babalikan ang dati, kung kanya lamang napigilan ang takbo ng mga pangyayari, hindi sana siya nagdurusa ng ganito. Nakaligtaan niyang ang mga pangako ay maaaring mabali at tuluyan nang masira. Siya man ay nakaranas ng pagkabulag sa kagustuhang tuparin ang kanyang sumpa na magiging tapat. Hindi niya pinakinggan ang dikta ng kanyang utak. Lahat ng naganap ay kagustuhan (o kapritso?) ng pusong umiibig. Sa huli, siya ay naging alipin ng sariling damdamin.

Hindi niya alintana ang kapighatiang dulot ng paglalakbay sa alapaap. Ang alam niya ay masaya siya sa pagdurusa dahil nagdurusa siya para sa kanyang mahal.At, ‘yun ang akala niyang makapagbibigay sa kanya ng kaligayahan. Ngunit, siya ay isa lamang karaniwang mortal na nagkakamali rin. Nang mga panahong iyon, ‘yun ang akala niyang tama.

Parang isang bangungot, nagising siya isang gabing nananaghoy, tumatangis sa kalumbayan. Sa kabila nito, sinikap niyang isaayos ang lahat. Nagpatuloy siya sa paghihintay gayong ‘di niya alam kung mayroon pa ngang babalik. Nanatili siyang tapat. Nanatili siyang nagmamahal. Gumigising siya sa umagang tila laging nasisikatan ng araw kahit pa natatabunan ng ulap ang kanyang mga mata. Pinilit niyang itakwil ang anumang agam-agam na nabubuo sa kanyang puso. Hindi, hindi siya susuko, ang kanya na lamang nasambit. Ipaglalaban niya ang kanyang pag-ibig.

Maligaya siya, oo. May mga panahong masasabi niyang siya ay naging tunay na maligaya. Kaligayahang nauwi sa kasinungalingan. May kung ano sa kanyang loob na nagnais kumawala, sumabog. Hanggang sa ang pisi ng saranggolang buong ingat niyang hinahawakan ay numipis. Sa ilang saglit, tuluyan na itong mauubos.

Tumindi ang tama ng araw sa kanyang bumbunan. Nanuot ang init sa kanyang katinuan. Kahit pag-iisip ay hindi na niya magawa. Hindi na niya magawang isiping lumisan na. Nanatili siya sa sa kanyang kinaroroonan, ninanamnam ang bawat sandaling wala siyang nararamdaman. Hanggang sa unti-unti nang yumuko ang araw upang halikan ang pisngi ng namamalaking mga bundok sa may paanan ng dagat.

Nagkulay kahel na ang mga ulap. Maya-maya pa’y makukumutan na ng kadiliman ang kalawakan. Maya-maya pa’y kailangan na niyang lumisan. Sa pagdalaw ng baha sa kanyang magkabilang pisngi, napagtanto niyang wala na ang azul na langit. Wala na. Nagkasya na lamang siya sa piping panalangin na sana sa muling pagbabalik nito’y ‘wag umulan.

Wednesday, March 10, 2010

the sky is not so blue when you're not with me...

SCTEX going to Subic (Philippines, 2009)


Mittraparp Rd. going to Bangkok (Thailand, 2010)

Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit, pero talagang mas bughaw ang kalangitan sa atin kesa dito. 'Di kaya dahil sa I'm already feeling blue without you at ayaw nang dumagdag pa ng langit?

Friday, February 26, 2010

Friday, February 19, 2010

excuse me lang po...

Dahil nga el nino at kahit ang bulsa ay nanunuyot na sa madalang na pagpatak ng pera, naisipan kong magtrabaho tuwing sabado't linggo sa isang language center sa may "bayan". (malapit kase ko sa university nakatira na mejo malayo sa downtown kaya feel na feel kong probinsyana ako)

tradisyon dito sa thailand na maghubad ng panyapak kapag papasok sa isang kwarto lalo na't bagong linis ito. although hindi ito masyadong visible sa bangkok area or mga big cities, ginagawa pa rin nila ito dito sa khon kaen. kung magtuturo ka sa elementary or highschool, required ang mga bata na hubarin ang sapatos nila at hayaan lang silang nakamejas sa koob ng kwarto. diba, libreng panlampaso na :D pero sa university, hindi na namen to sinusunod. pwera na lang kung carpeted ang kwarto, kailangan magtanggal ng sapatos para daw hindi madumihan ung carpet. mejo weird kase minsan mas madumi pa ung carpet sa paa mo. pero siempre hindi naman ako required magtanggal ng sapatos kase nga titser ako. harharhar...

sa language center na pinagpapart-timan ko, required ang lahat. walang sinisino. walang kapatid, kaibigan, kumpare, at kakilala. lahat kailangan magtanggal ng sapatos bago umakyat. siyempre, bilang baguhan, pacharming muna ko. mejo sunod muna sa mga rules. kahit pa ayaw ko nang nakayapak kase, una, malamig ang sahig, pangalawa, kung nakamejas ako, madudumihan ang mejas na ako din naman ang maglalaba. pero oks naman. susunod naman talaga ako. wala naman ako magagawa sa mga rules na yan eh. kaso, nung first day ko at first time ko umakyat sa mga rooms, eto bumati sakin. at pramis muntikan na akong maheart-attack sa puso pagkabasa ko :)




Thursday, January 7, 2010