Friday, February 19, 2010

excuse me lang po...

Dahil nga el nino at kahit ang bulsa ay nanunuyot na sa madalang na pagpatak ng pera, naisipan kong magtrabaho tuwing sabado't linggo sa isang language center sa may "bayan". (malapit kase ko sa university nakatira na mejo malayo sa downtown kaya feel na feel kong probinsyana ako)

tradisyon dito sa thailand na maghubad ng panyapak kapag papasok sa isang kwarto lalo na't bagong linis ito. although hindi ito masyadong visible sa bangkok area or mga big cities, ginagawa pa rin nila ito dito sa khon kaen. kung magtuturo ka sa elementary or highschool, required ang mga bata na hubarin ang sapatos nila at hayaan lang silang nakamejas sa koob ng kwarto. diba, libreng panlampaso na :D pero sa university, hindi na namen to sinusunod. pwera na lang kung carpeted ang kwarto, kailangan magtanggal ng sapatos para daw hindi madumihan ung carpet. mejo weird kase minsan mas madumi pa ung carpet sa paa mo. pero siempre hindi naman ako required magtanggal ng sapatos kase nga titser ako. harharhar...

sa language center na pinagpapart-timan ko, required ang lahat. walang sinisino. walang kapatid, kaibigan, kumpare, at kakilala. lahat kailangan magtanggal ng sapatos bago umakyat. siyempre, bilang baguhan, pacharming muna ko. mejo sunod muna sa mga rules. kahit pa ayaw ko nang nakayapak kase, una, malamig ang sahig, pangalawa, kung nakamejas ako, madudumihan ang mejas na ako din naman ang maglalaba. pero oks naman. susunod naman talaga ako. wala naman ako magagawa sa mga rules na yan eh. kaso, nung first day ko at first time ko umakyat sa mga rooms, eto bumati sakin. at pramis muntikan na akong maheart-attack sa puso pagkabasa ko :)




No comments: