Sunday, August 23, 2009

stapegi recipe

dahil kadalasan ay wala akong magawa sa buhay ko, (actually, marami akong dapat gawin at tinatamad lang ako) napapagtripan ko minsan ang pagluluto. isang bagay na never in my short 28 years kong inisip na ika-e-enjoy ko ng bongga. pero yun na nga, natagpuan ko na lang ang sarili ko isang araw na nag-gu-google ng kung anu anong recipe: chicken shawarma, menudo, sushi, pandesal (?), longganisa, etc. pramis, lahat ng maisipan ng tiyan kong ilagay sa kanya pinag-aaralan ko. at infairness kay tiyan, bongga siyang mag-isip, pansin niyo? ito yung mga pagkain na ang hirap hanapin ng mga ingredients. sa isang tulad ko na ngayon lang natutong humawak ng sandok, napakahirap i-distinguish ang basil sa peppermint. at gudlak bulak din kung matutulungan ka ng mga tinderang thai sa paghahanap ng mga dahon dahon na makakapagpasarap daw ng luto mo dahil sa aromang hatid nila.

ako: which are laurel leaves here?
thai na tindera: (matutulala ng ilang microseconds) alai na ka? (what?)
ako: (mejo magkakamot na ng ulo) laurel leaves... err....... laurel..
TnT: alai &*(%^$%#$@^&^*_)&%%$*)
ako: may dahon ng laurel po ba kayo? (sabay alis, frustrated)

kaya kapag nagiging extra-challenge sakin ang paghahanap ng mga ingredients, gumagawa na lang ako ng sarili kong recipe. so far, wala pa namang nagwewelga sa mga bulate ko kaya siguro ok na rin ang mga invented dishes ko (naks, move over yan - of wok with yan). feeling ko pinanganak talaga akong kusinera ngayon ko lang nadiscover!

isa sa mga lutuin na malapit na akong magka-MA degree ay, anu pa nga ba, ang walang kamatayang stapegi. kaya hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang aking 'pamatay' na recipe.

para sa sauce:

bawang - dinikdik
sibuyas - hiniwa nang maliliit
kamatis - hiniwa nang maliliit
baboy - giniling
asukal - pampatamis
asin - pampaalat
pamintang durog - pampaanghang nang bahagya

para sa toppings

cheese - na triple ang presyo kumpara sa pinas
dried oregano leaves - na ninenok sa pizza hut kase mahal din ito sa grocery

para sa noodles

hello! siguro naman alam niyo na kung panu pakuluin to noh! pero dapat daw lagyan ng konting mantika at asin ang tubig para mas masarap.

steps

  • igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis. durug-durugin ang kamatis para lumabas ang sarsa. ito ang magsisilbing sauce since hindi ka naman gumamit ng canned tomato sauce.
  • ilagay ang giniling na baboy pag nadurog na nang husto ang kamatis. lagyan ng konting tubig. halu-haluin para masaya.
  • timplahan ng asin, asukal, at paminta. pwede mo ring lagyan ng knorr pork cubes or powder kung trip mo.
  • ihalo ang sauce sa napakuluang noodles. lagyan ng dried oregano at cheese sa ibabaw.
  • kainan na!



eto ang spaghetti na nilagay sa batya. nilagay namen siya sa metal container at iniwan sa steamer ng ilang minuto para matunaw ang cheese at maabsorb ng sauce at noodles. hindi siya mukang masarap sa picture pero masarap yan sa tunay na buhay.


0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0

nung isang araw, napagtripan naman namin ng aking kaibigan na si mary
ang magluto nito:




oh, yes! the creamy, the tasty, the high-cholesterol uber expensive SPANISH OMELET.

6 comments:

Dinah said...

he he. hirap nga maghanap ng dahon dahon dyan. bring na lang from home :-)

Kahel said...

yep.. maraming dahon kaso pag di mo alam, ang hirap magtanung kase di naman kayo magkakaintindihan. :)

*tintin rejano* said...

hoy palita, nakakadiri yung picture mo jan sa baba! hahaha. para kang nakadrugs na naman ah.

plaridel said...

i like to try this. anung klase ng noodles ang gagamitin? yung nasa picture, parang di spaghetti. parang omelet.

Kahel said...

hahaha... binalutan kase namen ng cheese tas in-steam namen at natunaw siya kaya ganyan ang itsura. sige try mo yan. pd ka gumamit ng kahit anung noodles pero mas iba pa rin siyempre yung dating nung 'normal' na noodles. hehe

Random Student said...

Nakatikim na ko ng spanish omelet sa Pancake House. Medyo parang mamasa-masa pero i'm sure masarap cguro 'yun kung 'di. ayus naman ang lalagyan ng putahe nyo parang bilibid ang eksena