Ganito kase yun. Kumain ako ng Latna Mi Crop Tale (anu yun?) for lunch sa opisina ko kase wala ako sa mood makihalubilo sa mga hindi ko kakilala sa cafeteria. Yung Latna Mi Crop Tale ay isang uri ng crispy noodles na may masarap na sabaw at sahog na seafoods katulad ng pusit at hipon. Ang problema, hindi ko siya naubos dahil kahit sa pagkain wala rin ako sa mood. Madali lang naman sana ang dapat kong ginawa. Ibabalik ko lang naman ung bowl sa canteen para mahugusan na nila at hindi na ito magpakalat kalat pa sa loob ng opisina ko. Kaso, dahil by nature mahiyain akong tao, parang ayaw ko naman na ibalik ko ung tasa na parang hindi nabawasan ung laman. Baka sabihin nila hindi ako nasarapan tapos ma-shy na sila sakin at hindi na ko kausapin. So, ang ginawa ko ay naghanap ako ng plastic at binalak ilipat dun ang laman ng bowl. Nagtagumpay naman ako. Ang siste, habang ginagawa ko un, may matigas na ulong sabaw ang hindi nagpashoot sa plastic. Konti lang naman, kaso nabasa niya ung extension na nasa paanan ko kung saan nakaplug ang cpu, monitor, speaker, printer, at charger ko. Pero hindi ko pinansin tutal kaonti lang naman ung tumulo. Pinunasan ko na lang at pagkanaka ay lumabas na ako para: (1) Itapon ung plastic na may sabaw, (2) Ibalik ung bowl na kanina lang ay may lamang Latna Mi Crop Tale, (3) Magpalit anyo mula sa pagiging bangag sa pagiging disenteng guro (4) Magturo. At habang isinasakatuparan ko ang mga gawaing yan, iniwan kong nakabukas ang computer ko dahil baka may magkamaling magchat sakin. Sayang naman kung di ko agad matatanggap un, diba?
Pagkatapos ng klase ko, (for about 3 hours) bumalik na ko sa opisina at nagsimula na namang - makipagchat (oo na, isa akong mabuting guro). Aliw na aliw na ako sa kausap ko nang may naamoy akong kakaiba. Hindi naman ako ung naamoy ko kase mabaho un. Eh sa palagay ko naman mabango ako. :) Pagdapo ng paningin ko sa aking paanan, nakita kong umaaso na ang extension kung saan nakasaksak ang lahat ng mga elektronikong bagay na gamit ko. Sa pagkabigla, naihagis ko pa nga ang mouse ko at napatay ang pc na hindi man lang naalalang magsave. At shocks, umusok talaga siya ng bonggang bongga. Nahirapan pa nga ako dahil natatago ng lamesa ung pinagsasaksakan niya. Sa kabutihang palad, matapos kong mauntog ng mga dalawang beses dahil kinailangan kong sumuot sa ilalim ng mesa, natanggal ko rin siya. Pasalamat na rin ako at hindi na umabot sa alarming situation ang pagkasunog ng extension. Dahil kung nangyari yun, pramis, sa headline bukas ngaun ang brodkast ako pupulutin nito. At hindi ko kayang harapin yun. Narealize ko na camera shy pala ako pagdating sa mga ganitong sitwasyon.
Ang aking opis bago ang insidente. (kuha may ilang araw na ang nakakalipas.)
Ang extension wire na nangamoy at umusok. Nakakalungkot isipin na sa ganito pa nagtapos ang kanyang maikling buhay.
1 comment:
wahahahahahahahahahahahahahahahaha....yun lang. funny eh. :p
Post a Comment