Sunday, October 25, 2009

the makata side of me is back...

Ginugunita Kita #2

Marikit na tala ang tanglaw sa dilim,
Sa halimuyak ng matamis na hangin,
Sa gubat ng gabi ay hinihintay ko,
Mga kislap ng nilimot na pangako.

Habang may hapdi ang sugat ng kahapon,
Di maalpasan ang diwang nakakahon,
Inaawit ang kundiman ng pagsinta
Sa dalamhati ng pusong umaasa.

Ginuguni-gunita kita,
Binubuo sa alaala.
Pinapanga-pangarap ka,
Inuukit sa haraya.

TULA NI MANINGNING MICLAT

1 comment:

Arvin U. de la Peña said...

di maiiwasan na kapag iniwanan ka ng mahal mo o hiniwalayan ay di mo siya iisipin..talagang di mo makakalimutan ang masayang alaala noong kayo pa..pero di ka dapat na malungkot..dahil kung siya man ang dahilan kung bakit ka malungkot ngayon ay siya naman ang dahilan kung bakit ka masaya noong di pa kayo naghihiwalay..