Saturday, August 21, 2010

hongkong hongkong

malayo sa gulo
hongkong hongkong aaliwin kayo
hongkong hongkong malilimot ninyo
hongkong hongkong ang sakit ng ulo

yes! pupunta kame ng hongkong and china for our educational tour. next week na rin yun at sobrang excited na ako. meron kaseng nakapanghula sakin na makakarating muna ko sa tatlong bansa bago ako makapangasawa.. so far, nakadalawang bansa na ko - thailand at laos - kaya over the quota pa ko pag nagkataon neto. yipeee!!! mapipikot ko na ngayon sa wakas yung matagal ko nang pinagnanasaang pikutin.. hahaha

on the other hand, natutuliro ako ngayon sa kung anu ba ang dapat kong unahing gawin. meron akong 6 papers backlog na last month pa ang deadline, may lesson plans na dapat pang tapusin, project guidelines, radio and tv ad na chechekan at ipaparevise at kung anu ano pang mga bagay na nagpapakumplikado ng existence ko. at lahat ng ito ay hindi ko magawa sa kabila ng aking good time management skill. ang reason: wala lang. hindi ako tinatamad. kulang lang ako sa drive. siguro sobra na akong nabobore sa buhay na laging mag-isa. gigising kang mag-isa, kakain kang mag-isa, matutulog kang mag-isa. mabuti na nga lang at titser ako at required na magsalita sa klase dahil kung hindi araw araw akong mapapanisan ng laway. can't even talk to my colleagues dahil may mga sarili silang mundo - which can be expected of the academe.

hayyysss... sana magkaroon ako ng renewed passion to go on after ng tour. na-ooverwhelm na rin ako sa dami ng mga gagawin na nagsitambakan na just because of the reason na meron akong self-diagnosed borderline depression due to loneliness.

3 comments:

Anonymous said...

im curious how your trip was, after the tragic event in manila.

Kahel said...

it was ok.. mejo paranoid ako while travelling. most of the people i encountered were very friendly. they didn't know i'm a filipino and i don't think it would have made a difference had they known. mejo okray lang dun sa isang mamang taga immigration sa shenzhen. siguro masama lang ang gising. :)

Anonymous said...

ayos naman pala. buti naman it was a safe trip :)