Tuesday, July 3, 2012

When all's been said and done...

... it's what you learned from your Home Economic class that you'll put into good use when time calls for it!



The Filipino community in Khon Kaen, Thailand celebrated the 144th Philippine Independence Day last June 9. Maaga kase may pasok ang June 12 at, taliwas sa kaalaman ng nakakarami na ang mga OFW ay nagtatamasa ng isang masaganang buhay sa ibang bayan, kame po ay hindi basta basta puwedeng lumiban sa aming mga trabaho. Ang theme ng pagdiriwang ay, siyempre, Filipiniana. Bilang mahirap makahanap ng baro't saya for rent dito, napagpasyahan ko na lang magtahi ng aking isusuot. Salamat talaga sa naging guro ko sa THE. Salamat sa running stitch, na siyang tangi ko na lang natatandaan sa dinami-dami ng pinagawa samin. Salamat na rin at dahil diyan ay aking naipakita ang tradisyunal na damit ng mga Pilipinosa mga Thai. Ikaw ba naman ang maglakad sa kalye na ganito ang suot kung di pagtinginan at tanungin kung ano yang suot mo. At salamat na rin at dahil dito, naging masaya at maka-Pilipino ang aming pagdiriwang ng kalayaan na karamihan sa amin ay matagal nang di nagagawa simula nang manirahan sa ibang bayan.

At dahil pinag-uusapan na rin lang ang Filipiniana, ito ang itsura noong nakaraang Pasko:




Sa maniwala kayo't hindi, lahat nang ito ay likhang kamay!





No comments: