Pagkatapos ng klase ko, (for about 3 hours) bumalik na ko sa opisina at nagsimula na namang - makipagchat (oo na, isa akong mabuting guro). Aliw na aliw na ako sa kausap ko nang may naamoy akong kakaiba. Hindi naman ako ung naamoy ko kase mabaho un. Eh sa palagay ko naman mabango ako. :) Pagdapo ng paningin ko sa aking paanan, nakita kong umaaso na ang extension kung saan nakasaksak ang lahat ng mga elektronikong bagay na gamit ko. Sa pagkabigla, naihagis ko pa nga ang mouse ko at napatay ang pc na hindi man lang naalalang magsave. At shocks, umusok talaga siya ng bonggang bongga. Nahirapan pa nga ako dahil natatago ng lamesa ung pinagsasaksakan niya. Sa kabutihang palad, matapos kong mauntog ng mga dalawang beses dahil kinailangan kong sumuot sa ilalim ng mesa, natanggal ko rin siya. Pasalamat na rin ako at hindi na umabot sa alarming situation ang pagkasunog ng extension. Dahil kung nangyari yun, pramis, sa headline bukas ngaun ang brodkast ako pupulutin nito. At hindi ko kayang harapin yun. Narealize ko na camera shy pala ako pagdating sa mga ganitong sitwasyon.
Ang aking opis bago ang insidente. (kuha may ilang araw na ang nakakalipas.)
Ang extension wire na nangamoy at umusok. Nakakalungkot isipin na sa ganito pa nagtapos ang kanyang maikling buhay.