mga batang pinoy, sila daw ang mga bagong pilipino. ang mga pilipino ng kinabukasan. pero paano natin masasabing sila nga ang kinabukasan kung ngayon pa lang ay wala nang makapagsabi kung anu nga bang bukas ang mayroon para sa kanila, kung mayroon pa mang bukas. nakakalungkot isipin na karamihan sa mga batang pinoy ngayon ay tila ninakawan na ng pagkabata. sa agang gulang ay napilitan na silang magbanat ng buto at makipagsabayan sa mga matatanda sa paghahanap ng mailalaman sa sikmura, maipambibili ng gamot, maipangtataguyod ng pamilya, at - oo - maipambibisyo. nakakatakot ding isipin na ang lipunang kumukupkop sa mga batang ito ay ang mismong lipunang kinalakhan ko - na sa susunod na panahon ay kalalakhan ng aking mga anak. anung klaseng lipunan ba itong hindi kayang itaguyod ang batang nagpapakanlong sa kanya? anung klaseng pamumuhay ba ang kayang ibigay ng isang lipunang hinahayang mamuhay ng ganito ang mga anak nito? ang mga batang pinatanda ng pagkakataon ang siyang sumasalamin sa lipunang naghihirap, nagsisikap ngunit patuloy na bumabagsak.
bilang isang dating bata na namuhay na protektado mula sa kaguluhan, pangarap kong ang mga batang ito ngayon ay maranasan ang mga bagay na natamasa ko. sana ay mamuhay din sila sa isang lipunan kung saan ang paglalaro at pag-aaral ay mga pangunahing karapatan at hindi prebilihiyo. na sana maranasan nilang humalakhak at umiyak. sana may puwang sa kanila ang pagkakamali at may gumabay sa kanila nang mahusay para maitama ang mga pagkakamali. sana ang kanilang musika ay ang uyayi ng kanilang ina at hindi ang ingay ng kalsada. sana.. puro sana...
araw ng kalayaan na naman bukas. ilang araw ng kalayaan pa kaya bago maisakatuparan ang mga "sana" na ito?

No comments:
Post a Comment